Ate baguhan lang po ako dito sa Tumblr. ano pong payo ang pwede niyong maibigay sakin? Thanks ate! :)

Anonymous
Tandaan mo lang lagi na walang sino mang tao dito, ang kailangan mong i-please o kailangang amu-amuhin.
at naman kung nalulungkot ka or gusto mong mag drama, THEN GO. Kung sasabihin man nilang di bagay sayo. Aba! Tangina nila. hindi mo kailangang kontrolin yang emosyon mo para lang bumagay sa sinasabi nilang IKAW. Hell-O?! Pwede ba! Hindi sila yung nakakaramdam nun, hindi nila alam kung anong pinagdadaanan mo, Kung may isang tao mang totoong nakakaalam, walang iba kundi ikaw mismo. Porket nagdrama, corny na agad? porket naglabas ng mga hinanakit o saloobin, corny na agad. Hindi nakamamatay umiyak, Hindi din nakamamatay maglabas ng sama ng loob.
Oh well, Yaan mo sila, basta isipin mo na ikaw, nagpakatotoo sa sarili, samantalang sila, ayun puno pa ng maskara yung mukha dahil sa imahe kunong inaalagaan nila.

23 May 2012 @ 03:43AM /
29 notes TAGGED AS:
ta

Sa tagal ko na dito sa Tumblr, pangalawa ka palang na nagtanong sakin kung pano ba, or should I say kung ano ba pwedeng sabihin sa partner mo na makikipag break ka na sa kaya.. shocks! Ang hirap nito. :(
Break up Lines.
- “We have to meet other people to see what it’s like to be with someone else. I’m giving you that choice. if you come back to me, we’ll both be better from having chosen freely.”
- “Someday, hahanapin kita, when we’re both ready. When we don’t care about the odds. Kung tayo talaga, tayo rin in the end, di ba?”
- “our time together was beautiful … but i realized that there are still things i like to discover so …”
- “It’s not you, it’s me”
- “I have fallen in love with someone else, I’m sorry, I didn’t mean for it to happen..”
- “It’s been fun, but where is it going? I don’t see my future with you.”
- “You’re too immature.”
- “I need space.”
- “I just fell out of love. I don’t know why. I’ve changed.”
- “I think we would be better off as friends.”
- “I don’t deserve you. You deserve someone better.”
- “We’re not the same people as we were before.”
- “let’s part ways while we still have respect for each other.”
- “I’m sorry, you just aren’t someone I’d want to do a lifelong genetic collaboration with.”
- “Hindi na kita mahal..”
(Source: umaasaparin)

22 May 2012 @ 08:25AM /
84 notes TAGGED AS:
breakup lines ta
Ate Mitchi ano pong mabibigay niyong payo dun sa mga taong mayron ng girlfriend/boyfriend pero nakikipaglandian pa sa iba?

Anonymous
Gayahin niniyo kami ni Lester! haha. pero seryoso, Para sa mga taong di mapigilan ang kalandian nila, RESPETO lang sa partner ninyo.
TAO ka, hindi ka ASO na kahit busog na, kumakain pa din. Uso na makuntento, Try mo.

20 May 2012 @ 06:04AM /
12 notes TAGGED AS:
ta
Pretty Miss, gusto ko lang po humingi ng advice.. Yes, love (?) problem po. Actually, it's about my feelings. Lagi akong confused. Laging may doubts. There's this boy which is my classmate (until now) na nag-confess ng feelings for me. I don't even know how to react. Pero nagbitaw sya ng salita na maghihintay sya kahit ilang taon. MAGHIHINTAY sya. But due to my past experience (sa first love that turned out to be my first heartbreak), nahihirapan ako. SHOULD I BELIEVE HIM BA? :(

Anonymous
Nahihirapan ka maniwala sa kanya kasi natatakot ka na baka masaktan ka ulit? Alam mo kasi sweetie, hindi naman tayo nagmamahal para sumaya lang diba, kahit sinong tao na nagmamahal, lahat sila naranasan naring masaktan, Hindi ka lang nag-iisa, Kaya kung gusto mong maranasan yung sinasabi nilang pagmamahal, ihanda mo narin ang sarili mo na kahit papano eh may mga oras na masasaktan ka rin.
Alam mo kasi para sakin ah, sa situation mo na may doubts ka pa sa mga bagay bagay, kung hindi ka pa ready, So be it. Kung talagang gusto ka niyang classmate mo, mapapatunayan niya sayong yang nararamdaman niya,
Ang question dito ay hindi sa kung papaniwalaan mo ba siya, kundi KAYA NIYA BANG PANINDIGAN YANG MGA BINITIWAN NIYANG SALITA SAYO?

07 May 2012 @ 09:11AM /
23 notes TAGGED AS:
ta
Bakit po ate ayaw mo ng salitang "SYOTA"?

Anonymous
SYOTA / SHOTA
- Salitang kanto na ang ibig sabihin ay yung taong karelasyon mong pang SHOrt TAym lang.

06 May 2012 @ 06:50AM /
54 notes TAGGED AS:
ta
Ano pong sikreto sa matatag na relasyon?

Anonymous
God + Ikaw + Yung partner mo = Matatag na relasyon.

05 May 2012 @ 09:56AM /
57 notes TAGGED AS:
ta
Madalas na problemang nababasa ko sa TA, eh yung..
“May girlfriend na si ex, pero sabi niya sakin, mahal parin daw niya ko. Eh mahal ko parin din siya. Ano pong gagawin ko?”
Alam niyo mga teh, sabi niya lang mahal ka parin daw niya, hindi naman niya sinabing gusto niyang makipagbalikan eh, O baka naman, akala niyo lang eh mahal niyo pa isa’t isa, yun pala namimiss niyo lang. o baka pwede ring namimiss niyo yung pakiramdam na naramdam niyo dati sa isa’t isa. Ewan ko ba, pero ayun, Sige, ipagpalagay na nga nating gusto niyang makipagbalikan dahil nga sa mahal ka parin daw niya, Well.. Kung talagang mahal ka niyan, aayusin niya muna yung mga dapat niyang ayusin, Aba. Hindi naman pwedeng pagsabayin niya kayong dalawa ng girlfriend niya noh. Ano siya siniswerte? Wow ah!
Kung totoong gusto niya talagang ituloy yung “KAYO” at gusto niyang patunayan yung pagmamahal niya sayo, Pwes, break-an niya yung girlfriend niya, ligawan ka niya ulit. Tapos.
Pero kung di niya yun kaya at nagdadalawang isip siyang break-an yung girlfriend niya, ABA TEH! GISING GISING DIN! Tama na. You deserve someone na mamahalin ka ng ikaw lang, mamahalin ka ng buo, yung wala kang kahati, yung buo ang puso niya at alam niya sa sarili niyang Ikaw ang mahal at gusto niyang makasama, IKAW LANG.
(Source: umaasaparin)

05 May 2012 @ 09:02AM /
53 notes TAGGED AS:
TA
Alam mo, magandang tanong yan eh, kasi yan din dati iniisip ko noon, kung pano ko ba malalaman na yung binibigay niya o ipinapakita niya sakin (na PAGMAMAHAL o EFFORT) eh kulang ba, o sobra nga lang talaga ako mag expect.
Ayun kasi saking mga realization sa buhay buhay, Napagtanto ko na malaki nga talagang impluwensya yung mga sites na nagbibigay ng payo o kanilang mga “say” about sa love o buhay pag-ibig, katulad nalang nitong Tumblr.
Sa tumblr kasi, dito ka makakakita at matututo ng kung pano nga ba ang tamang pagpapahalaga at kung ano nga ba talaga ang mga mas mabuting gawin sa pakikitungo o pag gawa ng mga bagay bagay sa bf/gf o partner mo.
Katulad nalang halimbawa ng makakita ka ng post dito na nagsasabing, dapat daw kapag magpapahiwatig ka ng pagmamahal sa taong mahal mo, sabihin mo ng maayos, katulad na lamang ng pag “I Love You”. Pansin mo, may mga taong sanay na magsabi ng “Love you” o kaya “Luv u”, pano ka naman daw kasi maniniwala o kaya pano mo naman mararamdaman yung pagsabi nila ng nararamdaman nila kung spelling palang ng salitang yan ay mali na. Kung pagsabi palang ng salitang yan eh di pa mabuo ng tama. —- Yung tipong mga ganyang post. Sabagay, may punto naman diba? tama naman talaga.
Pero kasi, madalas, yung mga post dito may pagka “too good to be true”, Yung tipong kung irerelate mo talaga siya sa REYALIDAD, may mga pagkakataong pwede din mangyari, pero madalas, imposible. Sabi nga diba, wala namang perpektong tao, walang perpektong girlfriend o boyfriend, at wala ding perpektong relasyon.
Iba-iba ang ugali ng mga tao, minsan kasi, sa side ng partner mo, yung bagay na yun eh para sa kanya, todo effort na siya dun, Yun na talaga yung maipapakita niyang sweetness, lalo na kung halimbawa hindi naman talaga siya sanay sa mga sweet na bagay, o hindi naman talaga siya ganun ka-sweet na tao, sweet siya sa paraang alam niya pero hindi sa paraang alam mo, kasi dahil nga sa mga pananaw mo sa buhay at sa mga impluwensyang nababasa mo, o natututunan mo kung saan saan, MAS PA yung gusto mong maramdaman o maipakita niya sayo. kasi nga dahil din sa standard na gusto mong masunod niya o in eexpect mong maabot niya.
Pero dapat mong malaman, na hindi lahat ng tao, eh SWEET. siguro para sa kanya, yun na talaga yung pinaka sweet na kaya niya, eh di anong mangyayari sayo na nag expect ng higpit pa dun sa ginawa niya? eh di nalungkot ka.
Imbes tuloy maappreciate mo yung ginawa o ipinaramdam niya sayo, nag doubt o nagdalawang isip ka pa kung sapat ba talaga o kulang yung binibigay niya sayo. Siguro kung hindi ka talaga sanay na ganun, o kung gusto mo talaga na maging sweet siya sayo, eh di sabihan mo nalang siya. I-explain mo sa kanya mga nararamdaman mo, yung mga bagay bagay na pinaniniwalaan mo, Magandang pagpapaliwanag at pagpapaintindi din naman kasi ang pwede mong gawin, para maintindihan niya. Eh di para matulungan mo din siyang lumevel-up kung baga.
Pero alam mo, wala naman talagang TAMA o NARARAPAT o SINUSUNOD na gawin o sabihin eh, Pag nagmahal ka, depende na yun sayo kung pano mo yun i-eexpress o maippakita sa mahal mo, walang standard na dapat sundin, walang “dapat ganito o dapat ganyan” basta alam mo sa sarili mong naiparamdam mo sakanya kung gaano mo siya ka-mahal, naipakita mo sa kanya na siya lang, siguro sapat na yun.
Wala naman kasing mangyayaring paghihinala o doubts, kung ikaw mismo, eh kuntento sa partner mo at sa relationship na meron kayo. Pero kung may mga problema man o nahihirapan kang mag-adjust, wala namang bagay na hindi nasosolusyonan ng magandang pag-uusap at pag-iintindi.
(Source: umaasaparin)
Ate, you know what, sobrang sarap basahin ng love blog mo. Nakaka amaze kasi ang galing mong mag advice. Napasarap na ko sa pagbabasa ng blog mo. Pati yung kilig moments mo kasama yung baby mo, natuwa akong basahin. :) Haay. LDR kami and dati malungkot ako. Mahirap ang LDR, sobra. :( Nakakainggit nga pag nakakakita ako ng magbf/gf na parating magkasama. Pero siguro, dahil sa ilan mong advices na nabasa ko rito, wala na kong reason para gumive up sa rel namin. Thanks ate! Fav. blogger na kita

Anonymous

Maraming salamat po ha? sana hindi nalang ikaw nag anon, para na TA nalang kita at magpa thank you. yung mga ganitong message, sobrang nakaka touched. kaya lalo akong na-iinspire mag post.
Actually nilulubos lubos ko na nga eh, kasi sa 12 review na namin para sa board exam. kaya medyo busy busyhan na and may mga araw na di na ko makakapag ol sa Tumblr. siguro yung pasilip silip lang o kaya isa, dalawa o tatlong post tapos out na ulit. hehe. Wish me luck. :DD ayun, lagi mag iingat ha?Goodluck sa inyo ng partner mo.
P.S
Alam mo kung ano secret sa matatag na relationship? Ilagay niyo sa gitna ninyo si GOD. wag kayo makakalimot kausapin siya o mag pray sa kanya, may problema man o wala. yan yung ginagawa namin ng boyfriend ko eh. hehe :) God Bless!

09 Apr 2012 @ 07:54AM /
17 notes TAGGED AS:
ta
MU / Mutual Understanding.
Yung pareho kayo ng nararamdaman sa isa’t isa.
Pwedeng alam ninyong dalawa na pareho kayo ng nararamdaman. pwede ding hindi. yung tipong mahal ninyo ang isa’t isa. pero walang umaamin. Madalas, mga kaibigan niyo lang ang nakakaalam o ikaw lang.
Pero sabi nga nila, na ang MU daw ay pwede ng maihalintulad sa KUNWARElationship. Yung pareho kayong nararamdaman. pareho yung feelings ninyo sa isa’t isa. you two are more than friends but less than lovers.
Actually, pansin ko nga, eto na yung nauuso ngayon eh, kasi sa ganitong relationship, kayong dalawa yung boss. pero ang mahirap lang dito eh yung wala kang pinanghahawakan. kaya pwedeng magkaiwanan at minsan, kapag din nasobrahan yung pagtrato niyo sa isa’t isa, to the point na nag a-I love you-han na, yung tipong ginagawa niyo na yung mga ginagawa ng magboyfriend-girlfriend, Hindi maiiwasan na yung isa eh, umaasa na pala.
Sa totoo lang medyo magulo din yung MU, MU na yan. Bakit?
- Pi-pwedeng mag I love you sa isa’t isa, pi-pwedeng maging sweet, pero bawal umasa.
- Ang pagseselos ika nga ay nararamdam. kaya pwedeng magselos. PERO bawal mo siyang sumbatan, at hindi ka pwedeng magalit sa kanya. kasi nga, MU lang kayo. MU lang. hindi mo siya boyfriend/ girlfriend.
- Yung mga bagay na nagagawa ninyong sweet sa isa’t isa. gaya ng bigyan siya ng bulaklak o chocolate kapag Valentine’s Day o kaya naman pwede kayong mag date. but then again, since MU nga lang kayo, pwede din niya yun gawin sa iba.
Diba ang gulo, at the same time masakit. lalo na kung numinext level na yung feelings ninyo sa taong yun.
Pero sabi nga. depende naman sa tao yun, may iba naman kasi na gusto talaga nilang MU na muna, yung gusto nila ang isa’t isa pero pansamantalang ayaw pa nila ng commitment kasi.. gusto pa nila makilala ang isa’t isa o kaya naman hindi pa sila ganun ka-ready pumasok sa isang relasyon o kung ano ano pang dahilan.
(Source: umaasaparin)

09 Apr 2012 @ 07:13AM /
113 notes TAGGED AS:
MU Mutual Understanding TA
Ang LDR / Long Distance Relationship ay pareho lang din ng ordinaryong relationship.
Andun na yung mga kilig moments, tawanan, iyakan, selosan, tampuhan, at kung ano ano pang mga bagay na napagdadaanan ng isang lovers/mag partner. Kung meron mang pagkakaiba eh, yun ay yung magkalayo kayo sa isa’t isa. Mahirap dito kapag yung may tampuhan, away o di pagkakaintindihan, kasi kahit anong kagustuhan mong amuhin o lambingin yung mahal mo, hindi mo magawa. Dahil unang una, hindi mo man lang siya mahawakan, mahalikan, mayakap o mapuntahan. o malapitan man lang. Mahirap kapag nag-aaway kayo tapos kausap mo siya sa phone. Since mainit ang ulo ng isa, pwede niyang i-off ang phone niya, o kung sa skype kayo nagkakatampuhan, pwede siyang mag offline. So pano na ngayon yung isa? Ang hirap kasi di agad agad naayos. Yung tipong kapag sa ordinaryong relasyon, malalambing mo siya agad agad. Mayayakap mo, pwede kang tumingin sa mga mata niya, sabay bitaw ng mga salitang.. “Babe, sorry na po. bati na tayo ha?” , pero sa LDR, medyo mahirap, matagal na proseso, matagal na pagsuyo.
Kaya minsan, sa sobrang hirap, may mga panahong maiisip mong gusto mo ng sumuko. gusto mo ng bumitaw. Pero alam mo, sa tuwing maiisip ko yung mga pinagdaanan naming hirap, mga pinagdaanan naming pagsubok, Ano ba naman tong away na to kumpara dun sa sobrang pagmamahal na ibinigay at ibinuhos ko sa taong to. Yung kasabay ko siya magtiyaga, kasabay ko siyang mangulila, kasabay ko siyang malungkot, umiyak, tumawa, kiligin. kasabay ko siya sa lahat ng paghihirap para lang ipaglaban tong relationship na to. na kahit mahirap, dahil malayo kami sa isa’t isa, kinakaya parin. kaya dahil din diyan nawawala lahat ng doubts. napapalitan at napupunan ulit ng mas matinding pagmamahal.
(Source: umaasaparin)
Anong unang tinitingnan mo, itsura o ugali?

Anonymous
Syempre itsura. Eh ang ugali hindi naman yan tinitingnan, minamahal yan.

04 Apr 2012 @ 06:51AM /
69 notes TAGGED AS:
ta