Kapag nainis o nagalit ako sayo, Hindi lang sorry mo ang gusto ko, kundi yung paglalambing mo.
(Source: umaasaparin)
(Source: umaasaparin)
Dahil sweet akong tao, at ipinagmamalaki ko siya sa iba, yung tipong masyado akong showy sa nararamdaman ko sa isang tao, gusto ko ganun din siya sakin. like HELL-o?! Reality check. di ako magpapaka ipokrita o magpaka-plastik sabihin sa ibang tao na okay lang kung hindi siya ganon, okay lang na hindi niya yun ginagawa sakin, babae ako, tao ako, gusto ko rin maramdamang minamahal ako, ipinagmamalaki at inaalagaan din ako. Demanding na kung demanding, pero masarap sa pakiramdam na kahit kayo na, ramdam mo na nililigawan ka parin niya, pinapakilig ka parin niya. yung kasiyahan mo nung pinaka una kayong nagkakilala, ganun parin, or should I say MAS pa ngayon.
In short, ramdam mo yung halaga mo, yung importansya mo, yung pagiging parte mo at stand mo sa buhay ng taong mahal mo, Lahat ng ibinibigay mo, kayang kaya niyang suklian at minsan pa nga nalalamangan pa.
(Source: umaasaparin)
Naiinis kasi ako kapag kanina ka pa gising tapos di ka man lang nagtitext. Demanding na kung demanding pero yun gusto ko eh. kasi ganun din naman ako sayo. Ikaw kasi yung unang naiisip ko pagkagising na pagkagising ko palang sa umaga. Gusto ko din na ikaw yung una kong makausap. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag yung taong mahal mo agad yung bumabati sayo ng magandang araw sabay ipapaalala sayo kung gano ka niya kamahal.
(Source: umaasaparin)
Pero tingnan mo ngayon, hindi nga napantayan kasi NAHIGITAN PA SIYA NG SOBRA SOBRA.
Akala ko noon, hindi na ko makakaranas ng ganoong klaseng pagmamahal, pero nagkamali ako. Simula nung nakilala ko ang boyfriend ko, Mas sobra-sobra pa palang kasiyahan, pagmamahal, paglalambing at pag-aalaga ang pwede kong maramdaman sa piling niya.
Kaya para sainyong ayaw mag move on kasi pakiramdam ninyo, siya na talaga ang gusto niyo dahil siya lang ang nakapagparamdam sainyo ng ganung bagay, feeling niyo siya lang ang kayang magmahal sayo ng ganun. NAGKAKAMALI KAYO. Dahil kapag dumating na yung moment na binuksan niyo na ulit yung mga puso niyo at naniwala ulit kayo sa pagmamahal, Darating din yung oras na sasaya din kayo ng sobra pero this time, wala ng mang-iiwan.
(Source: umaasaparin)
tatawag siya sayo kahit regular load lang ang gamit niya para lang sabihin sayong nakauwi na siya at mahal na mahal ka niya.
—- Teka, Ako to ah! Okay, ang sweet ko talaga forever. <333 In love na ko sa sarili ko. haha. pucha. ako kasi yung klase ng tao na kapag miss ko yung taong mahal ko at gusto ko siya makausap, na yung tipong gusto kong marinig boses niya. tatawagan ko siya kahit na hindi ako unlicall. Magsisinungaling nalang ako na unlicall ako kahit hindi naman. ewan ko ba, hindi ako manghihinayang sa natitira kong load basta ang mahalaga nakausap ko siya and nasabi kong mahal na mahal ko siya. (Ipinaranas narin sakin to nung pinaka una kong naging boyfriend. na ngayon ex na. Na kahit nawalan siya ng phone noon gumawa parin siya ng paraan para matawagan ako, di pa uso nun ang unlicall. kaya regular load talaga.)
(Source: umaasaparin)
Saming dalawa, siya lagi yung pinakaunang nagpapaalala na malapit na monthsary namin.
(Excited much ang baby ko, ganun? haha. I love you so much mahal ko! malapit na nanaman tayo mag monthsary. ayiieee. hehe. pakiss nga ako sa kili-kili ng baby ko. hmmmmm. bango ah! hehe :*)
(Source: umaasaparin)
Yung boyfriend na sobrang friendly sa mga kaibigan kong babae.
(Source: umaasaparin)
“… Basta kung may kelangan ka andito lang ako lagi. Love padin kita ng madami sa dami. Sorry ha? Super sorry talaga. Basta sorry. Matatanggap ko din na hindi mo na ko love at hindi mo na ko mamahalin. Ayun. Mahal na Mahal pa din kita. “
(Source: umaasaparin)
(Source: umaasaparin)
Di ko na-experience ang Prom. Wala na kasing ganyan sa school namin eh. yung ibang madre kasi KJ. Kaya sobra kong naiinggit pag nakakakita ako ng mga pic sa dash about sa prom. K.
(Source: umaasaparin)
Ako yung klase ng taong marunong makuntento sa isa,
Kapag may mahal ako, Siya at Siya lang. Ka-cheapan para sakin yung manlandi pa ng iba habang nasa relationship ka pa. (Feeling ko kasi binababa ko ang sarili ko, tsaka hindi na ko bata para mag ganyan ganyan pa. tumatanda na ko, uso na sakin ang magseryoso.)
Kaya pag ako niloko o pinagtaksilan, kahit alam mong mahal na mahal kita o sobrang mahal na mahal kita, Alam ko din naman kung kailan na ko nagiging kawawa, mahal ko din naman kasi ang sarili ko. Basta ako, Nagmahal ako ng totoo, Matapos man ang relationship, Alam kong wala akong pagsisihan dahil wala akong naging kasalanan. Siguro kung meron man akong magiging kasalanan, Sa ibang bagay na yun pero never magiging dahilan ang panlalake o pakikipaglandian sa iba.
(Source: umaasaparin)