Kapag nainis o nagalit ako sayo, Hindi lang sorry mo ang gusto ko, kundi yung paglalambing mo.
(Source: umaasaparin)
(Source: umaasaparin)
Yung feeling na may naging ka-close ka ditong tao sa Tumblr..
Kapag may problema ka daw, lagi lang siyang andyan para sayo.. tapos malaman mo nalang, inunfollow ka na nga dito, inunfriend ka pa sa FB. ~HoW SwEeT~
(Source: umaasaparin)
Hi Babe, Pasalubong ko sayo galing bataan. yan una kong ginawa pagdating ko dun pasensya na di ako marunong kumuha eh ahaha nasilaw ako sa araw ahahaha. I love you!
—- Yung lalakeng kahit saan man siya magpunta, Ikaw parin yung unang naiisip at naaalala niya. Yung kahit malayo ka sa kanya, hindi yung naging hadalang para mapasaya ka niya. I love you more baby ko! Thank youuuuuu dito! sweet sweet naman ng asawa kong yan! :”“> :* <333
Sobrang sarap talaga sa pakiramdam na alam mo at pinapakita sayo ng boyfriend mong proud siya sayo, Yung tipong kapag may outing o celebration na kumpleto lahat andun yung pamilya niya, Winiwish niyang sana andun ako, na kung pwede lang pumunta ako dun. Yung mga ganung bagay. Basta ang sarap lang talaga sa pakiramdam. Sobra. :”>
(Source: umaasaparin)
Dahil sweet akong tao, at ipinagmamalaki ko siya sa iba, yung tipong masyado akong showy sa nararamdaman ko sa isang tao, gusto ko ganun din siya sakin. like HELL-o?! Reality check. di ako magpapaka ipokrita o magpaka-plastik sabihin sa ibang tao na okay lang kung hindi siya ganon, okay lang na hindi niya yun ginagawa sakin, babae ako, tao ako, gusto ko rin maramdamang minamahal ako, ipinagmamalaki at inaalagaan din ako. Demanding na kung demanding, pero masarap sa pakiramdam na kahit kayo na, ramdam mo na nililigawan ka parin niya, pinapakilig ka parin niya. yung kasiyahan mo nung pinaka una kayong nagkakilala, ganun parin, or should I say MAS pa ngayon.
In short, ramdam mo yung halaga mo, yung importansya mo, yung pagiging parte mo at stand mo sa buhay ng taong mahal mo, Lahat ng ibinibigay mo, kayang kaya niyang suklian at minsan pa nga nalalamangan pa.
(Source: umaasaparin)
Nakaka-bitter lang, nakakalungkot lang, madami kang bagay na naiisip sabay namimiss. mga bagay na hinihiling mong sanang mangyari din sayo, yung tipong, Sana meron ka din.
Nakakamiss kiligin. Nakakamiss yung mga panahong ibubuhos mo yung isang araw kasama o kausap yung taong mahal mo, yung kahit siya lang makita mo, solve na solve na yung araw mo. Hayyyyy. Yung merong maglalambing sayo, at lalambingin mo rin. pagkatapos pakikiligin ka, sabay halik sa noo, sa ilong at sa mga labi mo.
Nakakamiss yung mga panahong kahit di mo siya kasama o di mo siya nahahawakan, kahit boses lang niya o mga salita lang niya sa text, ramdam na ramdam mo yung pagpapakilig, pag-aalaga, pagmamahal at pagbuhos niya ng effort sayo.
(Source: umaasaparin)
(Source: umaasaparin)
Isang dosenang pink na rosas + gifts na hindi ko pa nabubuksan + chocolates na nasa fridge kaya di ko na napicture-an = MASAYANG ARAW. :)) <3
(Source: umaasaparin)
Naiinis kasi ako kapag kanina ka pa gising tapos di ka man lang nagtitext. Demanding na kung demanding pero yun gusto ko eh. kasi ganun din naman ako sayo. Ikaw kasi yung unang naiisip ko pagkagising na pagkagising ko palang sa umaga. Gusto ko din na ikaw yung una kong makausap. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag yung taong mahal mo agad yung bumabati sayo ng magandang araw sabay ipapaalala sayo kung gano ka niya kamahal.
(Source: umaasaparin)
Sa 31 na graduation namin, Akala ko sasaya na ko kasi free na ko sa lahat. Yun pala hindi parin, Nakalimutan ko, magrereview na din pala ako para sa board exam. huhu. sa totoo lang, hindi pa talaga ako ready. pero mag take na daw ako para fresh pa. ewan ko naaaaa. Kinakabahan talaga ako ng sobra.sobra. :’(
Syempre pag nagrereview focus. focus din, kaya bawas ang time ko mag online, wala na munang Facebook, Tumblr, Twitter o kung ano pa man. bawas ang time gumala. medyo hati narin ang time ko neto kay baby loves. pero alam naman niya yun eh, ready din siya dun. tsaka suportado niya ko kasi para din to sa future namin. :)
# Hayyyy. Kaya mo yan Mitchi. Go lang ng go. para makapasa ka agad sa board. Kaya mo yan! Kaya mo yan ( Michelle joy R. Paja, RN )
(Source: umaasaparin)
tatawag siya sayo kahit regular load lang ang gamit niya para lang sabihin sayong nakauwi na siya at mahal na mahal ka niya.
—- Teka, Ako to ah! Okay, ang sweet ko talaga forever. <333 In love na ko sa sarili ko. haha. pucha. ako kasi yung klase ng tao na kapag miss ko yung taong mahal ko at gusto ko siya makausap, na yung tipong gusto kong marinig boses niya. tatawagan ko siya kahit na hindi ako unlicall. Magsisinungaling nalang ako na unlicall ako kahit hindi naman. ewan ko ba, hindi ako manghihinayang sa natitira kong load basta ang mahalaga nakausap ko siya and nasabi kong mahal na mahal ko siya. (Ipinaranas narin sakin to nung pinaka una kong naging boyfriend. na ngayon ex na. Na kahit nawalan siya ng phone noon gumawa parin siya ng paraan para matawagan ako, di pa uso nun ang unlicall. kaya regular load talaga.)
(Source: umaasaparin)