MY HEART SPEAKS, LISTEN.

Home About Me Ask TA/Advice LOVE Opinion

Magnum Ice Cream > Pinipig Ice Cream.

HELL-O?!

  • Daming mong sinabi.
  • Dami mong gustong mangyari.
  • Gusto mong mapansin ka niya.
  • Gusto mong malaman niyang mahal na mahal mo siya.
  • Gusto mong malaman niyang namimiss mo siya.
  • Gusto mong malaman niyang nasasaktan ka na sa mga pinaggagagawa niya.
  • Gusto mong iparating sakanyang hindi mo na kaya ang nangyayari.
  • Ayaw mo ng umasa pa.
  • Gusto mo ng malaman kung ano ka ba talaga sakanya.
  • Gusto mong malaman kung ano ba talaga kayong dalawa. kung may papapuntahan ba ang lahat o sadyang landian lang talaga.

Kaya wala ka ng ginawa kundi mag post ng mag post ng mga ayaw mo at gusto mong mangyari sa buhay mo. Oo nga, Okay lang din naman talaga kasi nakakatulong din ito maglabas ng sama ng loob at ng mga bagay na linalaman ng isip at puso mo. 

Ang di lang maganda eh yung HANGGANG POST KA NALANG. Pano mo malalaman ang isang bagay kung hindi ka magtatanong, Pano mo makakamtan ang isang bagay na matagal mo ng gusto kung hanggang titig ka nalang at wala ka namang ginagawa para makuha ito.

hirap kasi satin, ang dami natin pinagdadrama. kesyo ganito. kesyo ganyan. Eh wala din naman kasi tayong ginagawa para matulungan sarili natin eh. 

GUSTO MONG MAGING MASAYA? eh mga kuya at ate pano ka sasaya kung ikaw mismo hindi mo nga tinutulungan sarili mo. puro ka reklamo ng reklamo.

(Source: umaasaparin)

umaasaparin.

chingspirasyon:

Si Mitchi. Nakilala ko yung blog niya nung nagkita kami ni lalabs Monica ko (tillnexttime) tapos nai-mention nga niya yung umaasaparin. Sabi ko pa nga hahanapin ko yang blog na yan, matingnan if ano yung laman kasi BH pa ko nung time na yun eh. Pero pagdating ko ng bahay, nakalimutan ko yung URL. Tae. Hahaha. Napapunta pa tuloy ako sa blog ni labs para manghalungkat ng mga reblogged post ni Mitchi. And at last! Nakita ko sa wakas. Ni-open ko agad sabay click ng follow button.

At first, hindi ako masyadong nakaka-relate sa mga posts. Bakit? Kasi ang tanga ko lungs! Hahaha. Hindi ko pa nakita yung Love na button kahit kaharap ko na. Tengene. So ayun nga. Hindi ko pa napapansin yung mga nakakaiyak na mga posts niya. Ang tanging napapansin ko lang ay yung mga nakakatawang GIFs sa bawat post niya. Minsan nga hindi ko napapansin na tumatawa nalang ako mag-isa. Parang timang lang ba. 

Hanggang sa nagka-boyfriend ako at naging in love ulit, dun ko na napansin yung Love button. Tapos nasabi ko kay Monica na, if earlier ko pa nakita yung button na yun ang mga nilalaman nun, malamang matagal ng bumaha ng luha dito sa bahay. Masyado kasi akong nakaka-relate eh tapos nung time na BH pa `ko, lahat ng mga nasasabi sa posts, naranasan ko rin. 

Pero kahit ngayon na may boyfriend na `ko, hindi ko pa rin nakakalimutang bumisita sa blog ni Mitchi. Walang palta sa isang araw. Naka-new tab pa talaga. Isa kasi ang blog ni umaasaparin sa mga paborito kong tambayan na blogs. Masarap nga naman kasing tumambay sa lugar na komportable ka at alam mong ang mga makikita at mababasa mo ay maganda at may sense kahit sabihin pa nating, masakit. Siguro nga hindi lang ako ang nagpapasalamat sa kanya, marami pa; mapa-BH man o hindi.

Sana marami ka pang ma-inspire na tao Mitchi. God speed. :)

—- OH EM GEEEE! Di ko to inaasahan. oh em geeeeeee talaga. Hi miss, Alam mo bang medyo badtrip talaga ko ngayong araw? hehe. pagod na pagod na kasi ako kakaasikaso ng thesis. kala ko madadala ko pa hanggang pagtulog tong pagkainis ko. pero nung nabasa ko tong very unexpected na post tungkol sakin. wow lang! ANG SARAAAAPPP AT ANG GAAN SA FEELING. :”“> Super thank you po! Pa-hug nga ako. Pwede? hehe. Huuuuuuuuuuuuuuuugggg! »>:D«< Iloveyou!

Ano naman pakialam ko sa mga taong nagsisex.

Di naman big deal yun eh. May sarili din naman akong buhay. tsaka mas may kailangan pa kong pagtuunan ng pansin. mga importanteng bagay sa buhay ko. EH BAKIT YAYAMAN BA KO KUNG MAPIPIGILAN KO SILANG MAKIPAG SEX? Kagustuhan nila yun. HELL-O. Di ko hawak buhay nila. 

Problema kasi minsan sa iba, Yung mas inuuna pang pakialaman buhay ng ibang tao kesa sa ayusin ang buhay nila. 

  • Yaan mo na sila gawin yung mga bagay na gusto nila katulad ng sex. Eh bakit ba napaka Big Deal nun? Inggit ka? Eh di gawin mo rin. BAKA MASARAPAN KA PA. Charot! haha :))

(Source: umaasaparin)

If you don’t have a lovelife, there’s one thing you should do: LOVE LIFE.

Hindi Ibig sabihin na wala kang girlfriend / Boyfriend ay dapat ka ng maging malungkot. Dahil ang pagmamahal hindi lang yan pwedeng madama pag nagkaron ka ng partner.

Maraming klase ng pagmamahal:

  • Pagmamahal mo sa ibang tao.
  • Pagmamahal mo sa sarili.
  • Pagmamahal mo sa mga bagay na nasa paligid mo.
  • Pagmamahal nila sayo.

Siguro nga, nagdadrama tayo pag iniwan tayo ng boyfriend/girlfriend natin, Pero sinu-sino bang mga tao ang nandyan para damayan ka?

  • Nanay mo
  • Tatay mo.
  • Bestfriend mo.
  • Closefriend mo.
  • Kapamilya mo.
  • Mga kapitbahay mo.
  • Mga kaibigan mo.
  • At pwede naring mga taong hindi mo pa nakikilala sa personal pero nakausap mo na, katulad nalang sa mga ganitong social networking sites.

Sa kakaisip mo ng sakit na nararamdaman mo ng dahil nag break kayo, iniwan ka niya, etc.etc.

Matanong nga kita, Ni isang beses ba naalala mo man lang magpasalamat sa mga taong andyan para damayan ka?

Yung simpleng: Pagtapik sa likod sa mga kaibigan mo, sabay sabi na “Bes, Thank you ah. kasi masaya man o malungkot andyan ka palagi para sakin.”

Yung tipong, “Ma, Pa, Salamat po ah, kasi hindi ka nagsasawang alagaan at gabayan ako, kahit na minsan o madalas nasasaktan ko kayo o hindi ko sinusunod yung mga gusto niyo. andyan parin kayo, hindi niyo ko pinapabayaan. Nay, Tay mahal na mahal ko po kayo.”

O di kaya, “Dude, sensya na ah. alam kong minsan, pag nagyayaya kayo na umalis. di ako nakakasama. Salamat sa pag intindi ah.”

O kaya naman, “Teh, lam ko may nasabi akong masama sayo dati, hindi ko naman po talaga gustong masaktan damdamin mo. masyado lang po akong nadala sa emosyon ko. Kung sana po may magagawa ako para maging okay ulit yung feeling mo. eh gagawin ko po. Mahal po kita ate.”

YANG MGA SIMPLENG BAGAY LANG YAN, NAGAGAWA BA TALAGA NATIN YAN? Gusto ko lang iparating na hindi man natin napapansin, May mga taong sadyang iniintindi tayo, mga taong gumagabay satin, mga taong nag aalala satin, dahil sa isang simpleng rason. MAHAL NILA TAYO.

Kaya wag mong isipin na dahil naghiwalay kayo ng bf/gf mo. Katapusan na ng mundo mo. wala ng nagmamahal sayo.  Bago ka mag isip ng mga ganyang bagay. Isipin mo din muna kung ano rin ang nararamdaman nila pag nakikita o nalalaman nilang nagkakaganyan ka. sa tingin mo ba natutuwa sila? mahalaga ka sa buhay nila. Kaya sana bilang ganti at pasasalamat narin. pahalagahan at ingatan mo rin ang buhay mo. :) 

(Source: umaasaparin)

Minsan, naisip ko.

Sana naging lalake nalang ako.

  • Para walang chismisan.
  • Di uso ang backstabbing.
  • Di uso yung pagpaparinig.
  • Wala masyadong inggitan.
  • Walang plastic.

-Hirap maging babae, kaya nga kadalasan. Mas pinipili ko pang maging ka-close yung mga lalake. para iwas gulo, iwas chismis, iwas away, mapoprotektahan pa nila ako.

Kaya lang. hindi ko maiiwasan na masabihan na MALANDI ng ibang tao.

Porket ba mga lalake ang kasama ko o karamihan ng mga kaibigan ko ay lalake. lumalandi na agad ako? Grabe naman. USO UTAK MGA TEH. TRY NIYO GAMITIN.

(Source: umaasaparin)

Totoo nga talaga. Aj Perez is dead. May he rest in Peace :’(

Naiyak lang ako bigla. Grabe. ang bata bata pa niya.

Very unexpected. Wala talagang kasiguraduhan ang buhay. 

Kaya please. kahit na this is so cliche:

Ngayon pa lang pahalagahan niyo ang mga tao sa paligid niyo. ano ba naman yung sabihin na

  • “Ma, I love you po.”
  • “Pa, I love you po.”
  • “Tol, Bes, Kapatid, Tropa, Dude, Mahal ko kayo.”
  • “Salamat sa lahat at Sorry kung may nagawa akong mali na hindi ko alam na kinasama pala ng loob niyo.”

—— Yung mga simpleng I love you, Salamat at Sorry lang wag na natin ipagkait sa mga taong importante o mga taong nasa paligid lang natin. Life is short. hindi natin alam kung hanggang kailan lang tayo dito sa mundo. hiram lang naman kasi tong buhay natin diba? Kaya wag na natin sayangin ang opportunity na ngayon pa lang, masabi, malaman at marinig ng mga taong mahal natin ang nararamdaman natin sa kanila. Wag natin hintayin na huli na ang lahat. na hindi man lang nila narinig mula sa atin yang simpleng pagpapasalamat, paghingi ng tawad at pagpapaalam sakanila kung gaano natin sila ka-mahal.

* REALIZATION.

(Source: umaasaparin)

Napansin ko lang,

Ang ibang tao, hinuhusgahan agad ang ibang babae kapag nalaman nilang niligawan lang ito sa loob ng Isang linggo, Dalawang linggo, Tatlong araw. etc.

Ginagawa nilang basehan ang tagal ng panliligaw ng lalake sa babae. at pag sinagot agad ng babae. Malandi na agad ang tawag sakanya or “easy to get”.

  • Unang una sa lahat, Wala naman tayong pakialam sa kung anong magiging desisyon nila diba?
  • Hindi natin sila masisisi kung naramdaman na nila agad yung tinatawag na pag-ibig.
  • Hindi yan nasusukat sa “TIME” o kung gano katagal kayo magkakilala or gano katagal ka niya niligawan.
  • dahil anong silbi ng oras o araw na yan kung wala ka namang ginagawang effort para sa taong mahal mo.
  • Parang pag sa pag MOVE ON lang yan e, hindi naman talaga yan sa kung gaanong katagal na araw, linggo, buwan o taon ka dapat maka get over sakanya. kung di, kung paano mo ginamit o kung ano yung mga ginawa mong bagay para matulungan ang sarili mo para maging okay ulit. para mahilom ang mga sugat.
  • KAYA ANG PAG-IBIG PWEDENG MAIKUMPARA SA PAGKAIN NG CAKE. HINDI MO NAMAN KAILANGANG KAININ MUNA LAHAT PARA LANG MASABING MASARAP ITO. KAHIT SA ISANG SLICE LANG, MALALAMAN MO NA KUNG NAAYON BA ITO SA IYONG PANLASA.

(Source: umaasaparin)

Ang mahirap sating mga babae, feeling natin pag nasa isang relationship tayo FAIRY TALE na. yung perfect na prince at may happily ever after.

Kung ayaw natin masaktan. wag na tayo mag expect ng perfect relationship. Wag natin ikutin ang pagmamahal natin sa gawa gawang fairy tale na yan. harapin natin ang REALITY ng buhay. Walang taong perpekto. Nagkakamali. Nagkakamali din siya. Hindi lahat ng prince charming perfect. Hindi lahat ng prince charming mayaman. Hindi lahat gwapo. pero may isa lang silang pagkakapareho. yun ay

ANG MAGMAHAL NG TAPAT AT IPAGLABAN ANG KANILANG PRINSESA SA KAHIT ANO MAN O SINO MANG GUSTO HUMADLANG SAKANILANG PAGMAMAHALAN.

Pero sa kasamaang palad iilang prinsipe nalang ang kanyang gumawa niyan. Kadalasan kasing nangyayari ngayon sa ating REALIDAD. pagkatapos mapa-ibig ng prinsipe ang prinsesa. Ang prinsesa na ang nakikipaglaban at gumagawa ng paraan para maging maligaya sila ng prinsipe. kahit na sobrang hirap at sobrang nakakapagod na.

(Source: umaasaparin)