MY HEART SPEAKS, LISTEN.

Home About Me Ask TA/Advice LOVE Opinion

Akala ko dati, pag pumasok ka sa isang relasyon..

Maging maayos lang pakikisama mo sa partner mo, basta nagkakaunawaan kayo, mahal niyo ang isa’t isa, eh OKAY NA LAHAT. Mali pala ako. Dahil ang isang relasyon, kahit gaano pa kayo katagal, kahit gaano pa ninyo kamahal ang isa’t isa, hindi parin ito kasiguraduhan na kayo na talaga sa huli.

Sa totoo lang, hindi talaga madali, considering na hindi lang kayo ang tao sa mundo, kaya maraming mga balakid, tukso, o masasamang tao o bagay na pwede ninyong pagdaanan and at the same time, magtitest din kung gaano ninyo kayang ipaglaban o gaano katatag ang pagsasama ninyo. May mga taong boto sainyo, yung mga kakampi ninyo, sa pagsasama ninyo at May mga tao namang hindi sang-ayon, na minsan gagawin ang lahat para mapaghiwalay lang kayo. 

Kaya natutunan ko na kapag nasa isang relasyon ka pala, “ARAW-ARAW” ninyo yang pinagtatrabahuhan, pinagsisikapan at pinapanatili yung Respeto, Tiwala at Pagmamahal sa isa’t isa. 

(Source: umaasaparin)

How you are during Break-ups.

May mga bagay na pag paulit-ulit ginawa o nangyayari, nakakasawa.

Parang sa isang relasyon, pag laging okay, laging nagtitext o nag a-update, laging nagpaparamdam, pag laging sweet, nakakaumay din minsan.

Kaya dun yung time na yung isa, eh nag-iiba o nagbabago ng pakikipagtungo, ng mga ginagawa o ng mga ipinaparamdam, hindi naman nating masasabing sinasadya niya, kundi may isang parte lang dun na nakakasawa din kasi paulit-ulit nalang, kumbaga walang bago, , wala na yung excitement at kilig factor na naramdaman mo noon, nung bago palang kayo. yung tipong wala ng thrill.

Kaya di maiiwasang yung isa naman eh malungkot, magtampo o magdamdam kasi yung nakasanayan niya, eh biglang nagbago na. biglang.. nawala na.

Sa totoo lang, kung titingnan at mararanasan ay masyadong kumplikado, kaya dun nagkakaroon ng malaking parte yung sinasabi nilang pinaka-importanteng sangkap sa isang relationship, TIWALA. 

Dahil sa sitwasyong ganito, di mo maiiwasang mag-isip kung bakit bigla nalang siyang nagbago, Yung mag tanong na,

  • “Hindi na ba niya ko mahal?”
  • “Nagsawa na ba siya?”
  • “Bakit parang wala na siyang pakialam sakin?”
  • “Bigla nalang siyang nagbago, may iba na ba siya?”

— Yung mga pagdududa, nandyan na yan lahat, pero hanggat may TIWALA ka sa pagmamahal niya sayo at kilala mo talaga yung partner mo, yang relasyon na meron kayo, paniguradong magtatagal. 

(Source: umaasaparin)

Gusto ko pagkagising mo, itext mo agad ako na gising ka na para alam ko.

Naiinis kasi ako kapag kanina ka pa gising tapos di ka man lang nagtitext. Demanding na kung demanding pero yun gusto ko eh. kasi ganun din naman ako sayo. Ikaw kasi yung unang naiisip ko pagkagising na pagkagising ko palang sa umaga. Gusto ko din na ikaw yung una kong makausap. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag yung taong mahal mo agad yung bumabati sayo ng magandang araw sabay ipapaalala sayo kung gano ka niya kamahal.

(Source: umaasaparin)

Minsan sa buhay kailangang pumili kung ano, sino, saan at paano ka liligaya.

Pero hindi lahat ng pinipili mo ay tama. Dahil minsan, kung ano ang ginive-up mo, yun pala yung totoong magpapaligaya sayo.

May mga tao talagang porket alam na mahal mo sila, umaabuso na ng sobra.

ni wala ng pakialam kung nasasaktan ka na ba nila, kasi alam na alam nila na kahit anong gawin nila, MAHAL mo at ANDYAN KA PARIN sa kanila.

(Source: umaasaparin)

(Source: arabellarose, via shegotmyattention)

I want to be the girl you’ll be proud of. I want to be the girl in your cellphone wallpaper, I want to be the girl whom you’ll introduce proudly to your friends and your family, I want to be the girl whom your sister will love, and I want to be the girl whom your mother will want for you.
If only all of these will come true, you’ll make me the luckiest girl in the world. Just love me for who I am, no matter how bitchy I act at times, no matter how I dress like a slut, or no matter how my hair mess up, thank you for accepting me. Thank you for always being there.

I want to be the girl you’ll be proud of. I want to be the girl in your cellphone wallpaper, I want to be the girl whom you’ll introduce proudly to your friends and your family, I want to be the girl whom your sister will love, and I want to be the girl whom your mother will want for you.

If only all of these will come true, you’ll make me the luckiest girl in the world. Just love me for who I am, no matter how bitchy I act at times, no matter how I dress like a slut, or no matter how my hair mess up, thank you for accepting me. Thank you for always being there.

(Source: wishartsolove, via marieeeelheartsyou)

Ang mga BABAE.

Kapag nagtanong ka kung anong problema niya at sinabi niyang “Wala”, wag ka agad magsabi ng “okay”.

Tanungin mo siya ulit. Ayaw nila ng madaling kausap. Ang totoo niyan eh, gusto nila ng kinukulit sila. dun kasi minsan nila nakikita na gusto mo talagang maayos agad ang problema, na mahalaga siya sayo at hindi ka magiging okay kasi alam mo ang totoo, na may problema siya. Dun din nila minsan nakikita yung pagmamahal mo at pag-aalala mo sa kanila.

Kaya ikaw, kung gusto mong maging maayos at magtagal pa lalo ang pagsasama ninyo at para matapos na yang problemang dinadala niya, SUYUIN mo nalang, UNAWAIN at LAMBINGIN, Mag sorry ka kung kinakailangan, yan lang naman ang gusto at hinihintay niyang gawin mo eh. ayaw niya lang sabihin kasi gusto niya, kusa mo itong gawin dahil gusto mo at hindi dahil sinabi niya. Wag ka ng sumabay pa sa init ng ulo niya. Wag mo siyang pabayaan at iwan nalang na ganyan ang nararamdaman niya. dahil kung yan ang gagawin mo, iisipin niyang wala ka man lang pakialam sa kanya at MAS LALONG LALALA PA ANG TAMPO NIYA.

(Source: umaasaparin)

Bago ka gumawa ng kalokohan sa taong mahal mo, Isipin mo muna kung kaya mong mawala siya sayo.

(Source: umaasaparin)

Siguro nga,

  • makakalimutan ko din lahat ng sinabi mo,
  • lahat ng pinakita mo.
  • Pero hinding hindi ko makakalimutan yung mga bagay na pinaramdam mo.

(Source: umaasaparin)

Yung moment na nalaman mong may iba ng mahal yung taong mahal mo.

Wala kang magawa kundi ngumiti nalang kahit ang sakit-sakit na sabay sabing:

“CONGRATS, MASAYA KO PARA SA INYO.”

(Source: umaasaparin)