Nakakabilib yung mga lalakeng,
Pag gusto mo na makipag break, hindi sila papayag agad. Gusto nilang pag-usapan muna ninyong dalawa, tapos sabay sasabihin sayong hindi niya talaga kaya pag wala ka. Kaysa naman dun sa mga lalakeng papayag agad sa gusto ng babaeng makipaghiwalay, sabay hihirit pa na, kung san ka masaya eh di sige pagbibigyan ko gusto mo, na kesyo kung yan ang gusto ng babae, wala na siyang magagawa. TANGA!
Kung alam mo sa sarili mong di mo kayang mawala yung taong yun sa buhay mo, pwede ka naman humingi ng pangalawang pagkakataon, kung pwede pag usapan ninyo muna yung mga bagay bagay na nakasakit sainyong dalawa saka ninyo ayusin. Wag yung payag ka agad makipaghiwalay. Iparamdam mo yung pagmamahal mo sa kanya. yung kagustuhan mong makasama siya. Dahil sa ganoong paraan, mas nararamdaman naming mga babae, na talagang mahal ninyo kami, na ayaw ninyo kaming mawala sa buhay ninyo, na ganun kami ka-importante at totoo nga yung mga binitawan ninyong salita samin.
(Source: umaasaparin)
